Chapter 2.7: Arigatou!

Hi Baby love,

Happy monthsary!

Una sa lahat, thank you very much for spending my birthday with me πŸ™‚ Kahit
simple lang yung birthday celebration ko eh super nag enjoy padin ako dahil kasama kita. Hindi naman kailangan maging extravagant ang celebration lalo pa tumatanda na tayo hehe. Hindi na kailangan ng cake or whatnot dahil ang importante kasama kita at may mga nakakaalala sa birthday ko. Andyan yung mga kaibigan ko, pamilya ko at sympre ikaw baby love na hindi napapagod sa kakulitan ko hehe.

Speaking of nakakapagod, alam ko napagod ka dahil twice ka pumunta dito na halos makasunod lang hehe. Nakakapagod kaya bumyahe from PH to SG dahil you have to spend 12 hours para lang makarating sa patutunguhan. Para lang magkasama tayo, hindi talaga maiiwasan na may mga bagay na kailangan tayong i-sacrifice, time, effort, work, family, money etc. dahil you know naman, magkalayo tayo and kailangan natin masanay muna sa ganitong situation sa ngayon. πŸ™‚

Itong chapter talaga nito ay pasasalamat dahil sa gift nyo sakin ni mama ren hehe. Na sa sobrang tuwa ko nung makita ko eh napatulo laway pa ako hahaha. Super sweet kasi ng surpise ng baby love ko, marunong na din magsurprise kaya medyo na shookt ako ng konti kaya ayun di na napigilan ng aking salaybah hahaha.

Sobrang cute lalo di ko inexpect na awarding night pala, di ko inakala ako na pala ang World’s Greatest Boyfriend, tinalo ko pa ang guinness hehe. Tila bagay pa sa akin yung suot ko sa award na yun hehe. Naaalala ko tuloy yung long-sleeve na kapag suot ko eh poging pogi ka sakin hahaha. Tuwing naalala ko yung moment na yun eh sobrang namimiss kita at sobrang gusto kita i-hug. Kaya ngayon hug ko nalang muna si vince hehe.

Sa ngayon hindi ko pa tapos basahin yung mga malilit na black diploma na kasama sa regalo mo sa akin hehehe. Akala ko graduation ko nga eh birthday ko pala hahaha joke lang pero super cute and super effort ha hehe. Thank you baby love. Iniiisa-isa ko lang kasi sya buksan bago matulog para man lang nakangiti akong matutulog hehe.

Ang natapos ko na basahin eh yung mga printed photos na kung saan yung mga sexy shots mo lang ang nakaprint joke hahaha. Na tuwing binubuksan ko eh para bang feeling ko bata ulit ako dahil sa tunog ng Happy birtday hehe. Naalala ko din tuloy yung mga christmas lights na tumutunog kasabay ang pagkutitap tuwing pasko hehe.

Thank you sa mga complements at appreciation sa birthday message mo sa akin, na touch naman ako and flattered hehe. Gusto ko lang sabihin mo na napasaya mo ako sa kaarawan ko. Feeling ko nga araw araw kaarawan ko eh, dahil araw-araw mo naman akong napapangiti at napapasaya.

At dun sa letter mo naman, hindi naman mahalaga kung gaano kahalaga yung binigay mo sa isang tao. Naalala ko yung kwento na kung saaan mayron isang bata na nangangailangan ng limos. Habang naghihintay sya ng tulong, merong dalawang taong napadaaan malapit sa kanya. Ang una ay binigyan sya ng 100 pesos, natuwa ang bata at naghintay pa muli. Ang ikalawang tao naman ay nagbigay ng 20 pesos sa kanya. Gayun pa man, ang nagbigay ng malaking halaga ay mayoong dalang 1 million pesos para magshopping, ngunit ang nagbigay ng mas mababang halaga ay meron lang dalang 100 pesos ng mga panahon na iyon papuntang trabaho.
Ika nga ni mother teresa, “It’s not how much we give but how much love we put into giving.” Walang problema kung maliit man o malaki yung binigay mong regalo sakin. Wala naman yun sa halaga dahil ang mahalaga ay galing ito sa puso. Kaya thank you very much baby love happy monthsary! I love you so much!

-World’s greatest boyfriend

PS: Dito ko sana ilalagay yung surprise visit ko in September pero nasurprise din ako sa bilis ng mga pangyayari hehe πŸ™‚ see you soon πŸ™‚

One thought on “Chapter 2.7: Arigatou!

  1. Angel Medina's avatar
    Angel Medina says:

    Happy Monthsary and Happy Birthday ulit, Baby Balong ko 😊😊

    Thank you baby at nagustuhan mo ung gift namin sayo. Hehe. Thank you din sa words of wisdom mo. Thank you talaga baby!

    So ayun na nga, eto yung pinaka magandang gift na nakuha ko galing sayo. Sobrang salamat baby and kay God. Magkakasama na tayo ng matagal at pinaka hihintay natin. Sobrang sinagot ni God yung prayers natin 😊

    Kahit inaaway kita minsan mahal na mahal kita hehehe. Feeling ko pms lang yun eh, pansin ko pag nag kakaron na ako dun lang kita inaaway hahaha. Sorry na babyyyy!

    Hindi naman ako mapapagod sa lahat ng bagay basta ikaw. Lalo na nakikita at nararamdaman ko na hindi ka din napapagod sakin, sobrang haba ng pasensya mo sakin lagi. 😊☺️

    Hindi na ako makapag hintay baby na makita ka, mahug and makasama araw araw. Iiiihhhhh 😘😘😘😘😘

    Sa World’s Greatest Boyfriend ko, mahal na mahal kita mahal kong baby, sobrang salamat sa lahat lahat. Sobrang mahal na mahal talaga baby ko. Ilang weeks nalaaaaang. Iiiihhh πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

    Happy Happy Monthsary My Baby Love Loveeee πŸ₯°πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜

    Like

Leave a comment