Chapter 2.6: I miss you 3000

Hi Baby love,

Happy monthsary!

Super I miss you na agad… pero hindi ako masyadong nalulungkot ngayon dahil alam ko naman soon magkikita na ulit tayo hehe. Pero ayaw ko din malungkot kapag dumating na yung time na uuwi kana ulit pabalik ng pinas next month kasi nakakalungkot lang isipin at baka malungkot ako haha.

Buti nalang eh birthday ko na ulit, may reason na magkita ulit tayo hehe. Though alam nating magastos pero mas okay nadin na macelebrate ko ulit birthday ko with you. Para at least all important events in a year magkasama tayong dalawa. Dahil alam mo naman minsan na nga lang tayong magkita, kaya kailangan wala tayong ma miss out na mahalagang kaganapan. Parang last year lang, ang bilis ng panahon, nacelebrate ko yung first birthday ko na kasama kita. Ang pinakamgandang gift skain ni god tuwing sasapit ang aking kaarawan.

Hindi man tayo sinwerte ngayon sa pagpunta mo dito pero alam ko soon, may magandang mangyayari din siguro marahil hindi pa yun ang tamang panahon. Sinwerte naman ako dahil nakasama kita dito nang matagal, pinakamahabang panahon na sa kasaysayan natin so far hehe. At sa tinagal tagal ko dito ngayon ko lang naramdaman na umuwi nang excited araw araw galing office, mapa lunch time or end of day man. Yung tipong papasok palang ako eh looking forward na agad ako pauwi. Kasi alam kong may luto na akong pagkain hahaha. Pero sympre dahil mas masarap kumain dahil kasama kita. At masarap pa ang luto mo kahit minsan medyo napapasobra lang sa asin hahah.

At sympre natupad nadin ang wish mo na matikman mo din yung luto ko, nagulat talaga ako nung una kong magluto ng sinigang na ganun kasarap eh. Kahit ako di ko akalain ako nagluto haha. Talagang you bring out the best in me Like no-one else can do. That’s why I’m by your side. And that’s why I love you. Napakanta ka ba? hahaha.

Miss ko na din manuod ng mga paborito nating palabas sa youtube bago matulog,
Miss ko na din yung gigising sa umaga na katabi ka at napakarami pang iba hehe. Marami pa akong namimiss bukod sa mga nabanggit ko hehe. Siguro mga 3000 nga siguro ang namimiss ko at baka hindi na magkasya dito hehe. Pero buti nalang ay busy ako sa trabaho at sa pagaaral kaya napapawi ang kalungkutan hehe.
At sympre kahit alam kong busy ako, hindi ako pwedeng makalimot dito sa website natin, kahit minsan nalang natin siguro ito nabibisita. Kaya ayun, looking forward na ulit ako sa muli mong pagpunta dito at pagbisita. I’m sure kahit hindi ganun kahaba yung stay mo kagaya last month marami padin tayong memories ulit na mababaon hehe. Enjoy your vacation and I love you so much baby love na mahal na mahal ko at napakaganda at napakasexy at napakabait! :* :* :*

One thought on “Chapter 2.6: I miss you 3000

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Happy Monthsary Baby!
    18 months na. Pero feeling ko 81months na lol. Feeling ko ang tagal tagal na talaga natin e.
    I miss you always baby. Ilang weeks palang na di tayo mag kasama nalulungkot na e. Pero first time kong hindi umiyak nung pauwi ako nitong last, ksi alam kong mag kikita ulit tayo. Excited na ako mag celebrate ulit ng Birthday mo na ksama ako.
    Miss na miss na kita, sa totoo lang baby at nasabe ko naman sayo to nun, bakit kaya tayo magkalayo, kelan kaya darating yung time na mag kakasama na tayo palagi at aabot ng months at years. Nalulungkot talaga ako pag iniisip ko yan. Pero lagi mo pinapalakas loob ko sa mga sagot mo. Kailangan lang talaga muna natin mag tiis at mag hintay, at sabayan ng dasal. Kasi sa ngayon yun ang need natin gawin, pero sana dumating na yung panahon na yun.
    Miss ko na ikaw ipag luto. Miss ko na din yung inaantay ka makauwi at makikita nanaman kita sa bahay. I miss you around.
    Baby, hindi ko talaga akalain na ganto kita mamahalin, sobrang mahal na mahal kita. No words can explain ika nga nila. Lagi ko sinasabe sayo to. Mahal na mahal kita. Ikaw yung best example ng lalaki na dapat tularan ng ibang lalaki. Napaka swerte ko lang dahil sakin ka napunta hehe. Hindi ako nag kamali na maghintay at ikaw ang mapili. (Lol akala mo madami manliligaw. Haha) Ikaw yung tipo ng taong worth the wait. 💕
    Happy monthsary ulit baby
    Mahal na mahal na mahal kita sobra. See you soonest!
    Advance happy birthday Pogi! 🥳🎂🍰

    Like

Leave a reply to Angel Cancel reply