Chapter 2.1: Valentine’s Day Together

Hi Baby,

Happy valentines day mahal ko!

Napakasakaya naman dahil at least ngayong taon, ngayong valentines day ay nagkasama nadin tayo. Dahil alam ko ito nalang yung special na araw sa isang taon na hindi tayo nagkasama correct me if i’m wrong hehe. Sa wakas kumpleto na natin lahat ng special events ng taon. Speaking of special, dahil last year hindi tayo nagkasama, this year sa araw ng mga puso kelangan special din, tayo’y magbabakasyon muna ng bongga hehe. Super exciting to dahil first time mo ulit pumunta sa isang bansa, ako naman first time ko din sa ibang pupuntahan natin kaya nakakaexcite, lalo at kasama na kita ngayong pagbalik ko sa land of the rising sun.

Matagal tagal nadin yung last travel natin, more than 6 months lol. Di kasi tayo nakapagtravel man lang nung umuwi ako last december dahil nga may pasok ka din. At least nakapag baguio man lang sana tayo para at least napractice mo na yung sarili mo sa lamig hehe. Anyway sana mag enjoy ka sa first adventure natin for this year, hopefully more to come dahil wala na akong leave agad for this year at eto na ang first and last long vacation ko haha.

Second valentines day na natin ito, parang kailan lang diba, sariwa pa saking mga ala-ala. Sino bang hindi makakalimot sa nangyari last year. Dahil medyo disappointed tayong dalawa sa flower na nadeliver sayo hahaha. Sobrang layo at ibang iba yung natanggap mo, though napaganda mo padin naman kahit papano gawa ng iyong pagka-malikhain. Pampalubag loob para hindi masyadong nakakalungkot, nakakasad na nga yung hindi tayo nun magkasama tapos ganun pa yung darating sayong flower 😂. Anyway nakaraan naman na yun, move on na hehe ang mahalaga yung ngayong taon, eto nalang yung pambawi ko 😉.

Sa hui, sobrang thankful ako kay God dahil lahat nang pinagppray ko sa kanya natutupad, lahat ng meron at nararanasan ko ngayon ay dahil sa kanya. Ngayong araw ng pagibig pinaalala nanama nya sakin ang isa sa pinakamagandang blessing na binigay nya sakin. At yun ay ang makasama at makapiling ka. Happy Valentine’s Day baby love ko I love you so much 😚☺🤩🤗😍😘

One thought on “Chapter 2.1: Valentine’s Day Together

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Happy Valentine’s Day Baby love ko!

    Super nag enjoy ako sa pag celebrate natin ng Valentine’s day, sobrang thank you Baby sa wonderful vacation natin sa Japan. Kahit nag karon ng konting tampuhan, hindi naman agad nag tagal, at naayos din natin agad 😊

    Ngayon baby, habang tinatype ko to nasa himpapawid ka nanaman pauwi ng Singapore, at back to LDR nanaman tayo, hindi ko maiwasan maiyak nanaman. Sobrang lungkot na magkalayo nanaman tayo, ayaw nanaman tumigil ng mata ko kakaiyak haha. Ganun naman talaga, di pa din ako masanay sanay hehe. Ayoko na mapalayo sa Baby Love ko, sa taong mahal na mahal ko. Miss ko na agad kiss and hugs ng Baby ko 😭 mga gantong oras nasa galaan tayo, balot na balot ng jacket hehe. Nag lalakad habang nakahawak ako sa braso mo na gustong gusto ko laging hawak hehe. Feeling ko kasi sobrang safe ako pag naka ganun ako sayo baby.

    Yung araw mismo ng Valentine’s, nasa Disney tayo, buti di mo nakita na naiiyak ako kasi baka mag iyakan lang tayo, hehe. Sobrang ramdam na ramdam ko yung love mo sakin nung nanunuod tayo Castle Show, habang naka hug ka sakin sa likod ko. Sobrang sweet hehe. Nakakaiyak yung moment na yun, na naisip ko ilang araw nanaman mag kakalayo nanaman tayo. Sana lagi tayo ganun, lagi ko pinapanalangin na hindi na tayo magkalayo ulit, na magkasama na tayo palagi. Alam mo naman kung gaano ko kagusto yun baby. Sobrang mahal na mahal kita baby ko. Thank you sa lahat lahat baby, sobrang thank you.

    Mag iingat ka palagi mahal ko. Mahal na mahal kita. Happy Valentine’s Day ulit Baby Love ko. 💋🥰😍💕❤️😘

    Like

Leave a comment