Hi Baby,
First of all Happy new year sayo and Happy monthsary baby!!! Thank you lord for another year that you gave us, parang ang tagal na natin ano? hehe. Sympre naman dahil ito yung pangalawang new year na magkasama tayo as a sweet couple hehe. Ito’y bagong taon, bagong kabanata, bagong hamon, bagong ilalathala.
Masarap alalahanin yung nakaraang taon lalo na yung mga sandaling nagkakasama tayo. Mga araw na tumatakas sa trabaho para makita lang ang isa’t isa. Isang taong puno ng samut-saring emosyon, nariyan yung umaapaw na kilig, tawanan, hindi maiiwasang tampuhan at sympre iyakan (sympre favorite word ko to eh haha).
Isang taon din tayong long distance relationship pero nakayanan nating labanan at iparamdam na ang distansya ay hindi hadlang. Nabigo man tayo sa unang taon na agad wakasan yung distance between us, hindi naman yung naging dahilan para mawalan tayo ng pagasa. I know it’s just a test to see how strong we are to overcome the challenges that we’ve faced and we will face tomorrow.
I’m so happy dahil in a way napasaya nanaman kita nung last na umuwi ako, though medyo maraming epic fail na naganap. Unang una yung surprise uwi ko eh tila ako yung nasurprise hahaha. Medyo sablay dahil siguro sa pagod, magulo nadin ang isip ko kaya hindi nakapagisip ng maayos para maexecute ng tama. Ang pinaka may kasalanan talaga ay ang traffic sa manila, di tuloy kita naabutan lol. Pero I hope nabawi naman ng Anniversary date natin hehe kahit minalas ng konti dahil umulan, pero naging maganda parin ang kinalabasan dahil kasama kita. Ang sarap sa feeling na maexperience mo yung mga bagay na first time mo lang magagawa sa buhay mo lalo at kasama mo yung taong mahal mo, gaya nga ng anniversary date natin, at sympre hindi naman siguro ako pupunta magisa dun haha. Nakakatuwa pa dahil halos parehong pareho tayo ng anniversary gift, magmula sa book na ginawa mo at box na ginawa ko pati yung color and materials, pati nadin yung necklace. Napakagaling talaga! haha Walang duda, pareho talaga tayo magisip sa mga bagay bagay at pananaw hehe. Kahit yung paggawa ko nun ay halos sumablay din dahil muntikan mo nang makita nung nagvivideo call tayo, buti nalang tinatago ko yung box bago tayo mag video call kaya minsan matagal ko masagot yung call mo hahaha.
Akala ko dun lang nagtatapos yung pagka epic fail pero pati pala yung last chapter ay sablay hahah, kaya ito, ito talaga ang tunay na Chapter 2. Though kaya ko namang i-edit yung last chapter, pinili kong hindi na ito baguhin. Sa kadahilanang parang isang life lesson lang yan, hindi mo na mapapalitan ang mga pagkakamali na nagawa kahapon. Ang mga pangyayaring naisulat na sa nakaraan, pero meron tayong chance na itama ito kagaya nitong Chapter na ito hehe. Ang pagkakamali sa nakaraan ay hindi dapat maging hadlang para maging masaya sa hinaharap, gamitin ang pagkakamali kahapon para sa bukas na darating. Ang point ko dito ay sana ipagpatuloy natin kung paano tayo magisip sa relasyon o sa kanya kanyang buhnay natin. Failure can make us stronger. Yun ay kung irerecognize natin yung mga pagkakamali natin at nagiisip tayo ng paraan para maresolve ito. Kagaya ng kung ano man ang mga pagkakamali na nagawa natin sa isa’t isa last year, sana maging lesson yun para sa mga bagong kabanata pa na darating sa buhay natin. Huwag nating hayaan na maapektuhan tayo ng nakaraan. Sabe nga eh, life is about moving on, accepting changes and looking forward to what makes you stronger and more complete. Sa lahat ng naging tampuhan natin nung nakaraang taon, sana wala isa dun ang dala dala natin hanggang ngayon at pumipigil sa atin para ipagpatuloy ang ating paglalakbay.
At habang sinusulat ko ito, nagbibilang nanaman ako ng araw na ika’y makikita ko ulit at makakasama, kaya see you soon baby love ko. I miss you and I love you so much. Kaya halika na at magpatuloy na sa susunod nating paglalakbay! Let’s go Japan!!! いきましょう!
Hi my Baby loveee,
Happy Monthsary! 1 year and 1 month 😁 alam ko madami pa tayong bibilangin na months, yearsssss. Eto talaga yung bag reremind sakin kung ilang months na tayo eh. Hahaha. Joke lang my loveeey!
Alam ko yung mga nakaraang b’wan nay pangyayari na di maganda hehehe. Alam mo na, pero ayun nga nalampasan nanaman natin hehe. Maliit na bagay man yun pero yun ang madalas na nakakapag patatag sa relasyon natin. Lalo ko napapatunayan sa sarili ko na mahal na mahal kita, at worth it lahat ng bagay pagdating sayo. ❤️
And, itong nakaraan na mga araw, sorry baby alam ko at pansin ko na hindi na ganu tayo nakakapag usap ng matagal di tulad ng dati, busy, busy sa work at sa netflix at sa laro mo hahaha. Pero kahit ganun baby lets still be open sa communication ah. Lahat pa din naman sinasabe ko sayo. Open communication, can make us even closer. Hahahaha. Maconnect lang open at close lol.
At isa pa baby, yung nakaraan na nagkasakit ka, hindi mo lang alam kung gaano ko nag alala sayo, natakot ako na kung pano malala sakit mo. Hindi ako mapakali sa office, pero buti nalang di tumagal sakit mo at naging okay ka na. Ituloy lang inom ng gamot at kain ah. Ayaw ko na uli makita yung ganun ka. Mabuti sana kung andyan ako. Para maalagaan ka. Ang hirap nung alam ko na may sakit ka tapos wala akong magawa kundi icheck ka sa video chat. Umiyak ako kay mama nun, bago pa ko umiyak sayo hehehe. Pero buti nalang talaga okay ka na mahal kong baby loveee. Thank, God! 😇 wag na magchocolate ah.
At syempre, Thank you kay God dahil eto nanaman tayo, sinalubong ang bagong taon na magkapiling ❤️ At mas matagal na nag sama. ☺️
See you soon my lovely babyyy! 🥰
Yes! See you, Japan 😁
MAHAL NA MAHAL KITA MAHAL KONG BABY! I miss you so muuuuch! 🥰😘😍
LikeLike