Chapter 1.10: First move

Hi Mahal ko,

Happy 10th monthsary baby, ngayong araw na ito. Halika’t samahan mo ako’t magbalik tanaw sa nakaraan. Isinulat ko na at baka makalimutan mo pa πŸ˜‚.

October, marahil isa sa mga memorable na month para sa ating dalawa bukod sa September na kung kailan tayo unang nagkakilala. Last year October 13, 2017, Friday the 13th. Likas na sa ating mga pilipino ang maniwala sa mga pamahiin. Kaya marami sa atin ang maingat sa kung ano ang gagawin nila sa araw na yun dahil tila may kaakibat itong hindi maganda o kamalasan. At kahit alam kong hindi maswerte, I took the risk na gawin and i-execute yung first move ko.

Ang first move na magbabago sa takbo ng buhay ko. Ang first move na hindi ko pinagsisihan at sobrang proud ako. Ang first move na pagbabakasaling mapansin mo na may mga tao paring mabubuti at poging kagaya ko 😁. In-short galawang pogi πŸ˜‚. Ang first move na tila nagsasabing mahalaga ka at hindi ka dapat pinababayaan at binabalewala. Ang first move na tila nagpapahiwatig na ang sarap mo palang kasama at masaya ako kapag kapiling ka. Ang first move na kahit isang beses palang tayong nagkikita, alam kong ikaw na. Ang first move na tila nagpabaliw sakin dahil sa halo halong emosyon. Ang first move na hindi nasayang at naging masaya ako dahil naging masaya ka. Ang first move na naging dahilan ng pang araw-araw na kaligayahan sa aking puso. Ang first move na dahilan ng mga ngiti ko simula nung araw na yun at marahil malungkot ako sa mga oras na ito kung hindi dahil sa natatanging first move.

Ilang araw bago ang lahat, tila ba gulong gulo ang isip sa kung ano ang magandang surpresa na ibibigay sayo. Matagal pinagisipan kung nasa tamang oras naba para gawin ang unang hakbang. Hanggang napagisip-isip na wala namang oras ang dapat sinasayang. Bawat sandaling pinalalampas ay maaaring panghinayangan. Mga pagkakamaling mahirap talikuran at maaring habambuhay na pagsisihan.

Halo halong kaba, kilig at pananabik habang naghihintay ng mga araw na matanggap mo na ito. At sa pagsapit ng araw na nangyari ito, Nagkunwaring walang alam at tila naghihintay na sakaling matanong mo tungkol dito. Dumaan ang ilang oras at alam kong natanggap mo na pero naghihintay pa rin na mabanggit mo. Palakas ng palakas ang tibok ng puso, pero hindi sumuko. Umaasang matutuwa ka kung sakaling malaman mong ako ang nagbigay, ngunit hindi nawala yung kaba sa dibdib dahil sa pangambang hindi magtagumpay at tumaas ang iyong kilay.

Hanggang dumating ang oras na mabanggit mo, tila nabuhayan at ang kaba’y unti unting naglaho. Napapalitan ng mga ngiti at saya. Dahil nakatanggap ako ng magandang balita. Naging masaya ka pero mas naging masaya ako sayo kahit ikaw yung nakatanggap ng surpresa. Sobrang sarap sa pakiramdam, lalo nung pinost mo pa sa instagram πŸ˜‚. Sobrang naramdaman kong binigyan mo ng halaga yung binigay ko sayo bagamat sa mga panahong iyon ako’y isang kaibigan lamang na nagbabakasakali. Maraming salamat dahil muli mong binuksan ang iyong puso at bigyan ng pagkakataon na makilala ako. Kung hindi dahil sa first move, marahil hindi ako sobrang saya gaya nang nararamdaman ko ngayon. Marahil mabilis at tila nagmamadali pero lahat ng nagmamadali ay nauuna at nagwawagi πŸ™‚.

Ang panliligaw ay parang isang board game na maihahambing sa larong chess na kung saan kailangan mong planuhin at diskartehan bago gawin ang iyong move. Isa rin itong pagsusulit kung saan malalaman mo kung papasa ka ba o babagsak. Ngunit isa syang homework dahil ito ay ginagawa sa bahay at hindi sa iskwelahan o saan man. At higit sa lahat, ito’y hindi nagtatapos sa first move. At ito ay hindi first step sa isang relasyon, it’s a continuing process ika nga. Kaya plano ko, habambuhbay kitang liligawan hanggang sagutin mo na ako 😁. Happy monthsary mahal ko! I love you so much baby. 😘😍😊😚☺

One thought on “Chapter 1.10: First move

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Hi Baby!

    Wow! Di ko inexpect to hehehehehe.

    Happy 10th monthsary my Love,
    Thanks for being by my side all the time, whether I’m happy or sad. But most importantly, thank you Baby for telling me repeatedly that everything is going to be fine. With your words, I feel the assurance. thank you for everything you’ve done for me throughout all these while.

    Time passes so quickly and it’s our 10 months together already. So many things happened throughout this 10 months, both happy and unhappy moments.
    I’m really very blessed, blessed to have such an awesome person as my boyfriend, my partner, my soulmate, my buddy. Words just can’t express how I feel. The feeling of happiness and joy being together with you, no one knows.

    You’re the most charming, kind, caring, trusting, intelligent, independent, boyfriend I’ve ever met. The way you tell your opinions and know all the right things to say. I’ll never give up on you even when it gets tough.

    I will never forget our 1st β€œfriendly” date hahaha. and the first time I met you πŸ’•

    I am so lucky and fortunate that you are part of my life. πŸ’–
    Thanks for holding on despite me hurting so badly in the past. There’s a saying “Let bygones be bygones”. It’s going to be a very long route ahead, but I’m glad I have you by my side, holding my hands, till we grow old. Baby, I love you so much.

    Ubos na english hahaha. Practice ko to for ADB hahahaha. πŸ€ͺπŸ˜πŸ˜‚

    MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA BABY KO! Happy monthsary πŸ’–πŸ’•πŸ’—β€οΈπŸ’

    Like

Leave a reply to Angel Cancel reply