Chapter 1.4.1: Always :) Be POSITIVE!

Dear Baby,

Pasensya kana kasi wala ako sa tabi mo sa mga ganitong panahon na sobrang namomroblema ka . Though sobrang mahirap din para sakin dahil gusto kong i-comfort ka kapag ganyang sobrang lungkot mo pero wala din ako magawa eh, kaya nalulungkot nalang din ako. 😞 Lalo pa hindi mo sinasabe kung ano yung problema kaya nahihirapan din ako at parang nangangapa ako sa dilim. Minsan dumarating pa sa point na naququestion ko yung sarili ko kung hindi mo pa din kaya ako pinagkakatiwalaan sa mga times na hindi ka nagsasabe ng problema sakin, alam ko naman ding hindi at nahihiya ka lang magsabi sakin.

Gustong gusto kitang yakapin ngayon ng sobrang higput para at least gumaan ng konti yung pakiramdam mo pero hindi ko magawa. Pasensya kana dahil sa ngayon hanggang ganito lang ako, hayaan mo babawi ako sayo next week mahal ko.

At wag mo sanang isiping weak ka baby, dahil nasa isip mo lang yan, ang mahalaga you still have the reasons to live, support your family and fix the problems and struggles that you are facing right now and with that hindi mo masasabing weak ka gaya ng iniisip mo.

I know darating yung araw na feeling mo sobrang daming problema, sabay sabay lahat at parang hindi mo araw at minamalas ka nanaman. Huwag mo sana masyadong iniisip  lahat ng yan at baka mag muka ka na talagang mas matanda kesa sakin 🤣😋. Kaya nga I told you to write your daily positive thoughts baby para makita mo kung gaano padin kadaming positive na nangyayari sayo than the problems na naeexperience mo today. It may not always be about us but try to write anything kahit problema pa dahil alam ko at alam mo kaya mong masolusyunan yan baby.

Gusto ko lang sana maging okay kana baby ko kasi parang kambal mo ako eh, hindi ko maiwasan na malungkot kapag nalulungkot ka. Kaya huwag ka na malungkot baby please… Positive thoughts lang, next week magkikita na ulit tayo diba? Isipin mo lang palagi yung mga positive na bagay at use it para tabunan mo yung mga negative.

Basta isipin mo lang palagi, kahit anong problema pa yang nararanasan mo baby wag kang matakot at mahiya na idamay ako 😉. Karangalan ko pa yun na isama mo ko sa problema mo at mas gugustuhin ko dahil yun naman ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nandito sa buhay mo. Gaya ng sinabi ko dati sayo kung naaalala mo pa 😂, problema mo ay problema ko din. Don’t forget na isa padin ako sa mga bestfriends mo ha? Magsabi ka lang kapag may problema ka. Mahal na mahal na mahal kita baby I love you so much. 😚😚😚☺☺☺😍😍😍🤗🤗🤗😘😘🤩🤩🤩🤩 Time! 🤣😂

problems

3 thoughts on “Chapter 1.4.1: Always :) Be POSITIVE!

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Baby,

    Thank you for this. Sobrang nakahelp to para gumaan loob ko. Sorry baby ah kung di ako gano makapag open sayo about sa problem ko, nasanay lang siguro ako na sinasarili ko talaga mga ganung bagay, kahit kanino di ako makapag sabe, kahit kina mama hindi ko masabi, kasi ayaw ko nandadamay ng ibang tao. Tsaka ako nag sasabe pag nasolve ko na. Sorry talaga baby, alam ko naman na andyan ka lagi for me kahit malayo ka. Sobrang nagkasabay sabay lang talaga lahat ng problema ko, sa bahay, sa work. Kaya nag break down ako kagabe, sobrang bigat na kasi talaga. Siguro nga kaya ganto kasi di ko malabas sa ibang tao yung hinaing ko. Sorry talaga baby, alam kong handa ka lagi makinig at tumulong, naiisip ko naman na we are partners so dapat maging open sa isat isa. Pero yun talaga ang mali sakin, nahihirapan at nahihiya ako pag dating sa problema ko. Hindi ko alam kung paano ioopen sa ibang tao. Sobrang sorry talaga baby, hindi sa hindi ako nag titiwala sayo, nahihiya lang ako idamay ka. Wag ka mag alala baby alam natin na dadating sa point na kakayanin ko na mag sabe sayo, hehe. Baka mag sawa ka pa pag dating sa araw na yun. Hehe.

    I LOVE YOU SO MUCH BABY, THANK YOU BABY SOBRANG THANK YOU. MAHAL NA MAHAL KITA BABY KO.

    Like

Leave a comment