Hi Baby,
Happy 4th monthsary baby! Napakabilis talaga ng panahon, kahit bilang ko padin sa daliri ko kung ilang beses palang tayong nagkikita sa apat na bwan na yan, for me it doesn’t matter. Dahil ang mahalaga, sa iilang beses na nakasama kita ay bawat oras nagiging mahalaga at makabuluhan para sakin.
Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, In just four months ang dami na agad nangyari sa atin 😉🤗. Pag nagkita ulit tayo paki sampal nga ako please 🤣😆 dahil feeling ko nananaginip padin ako.
Walang sandali na hindi kita namimiss at ito yung nagpapaalala kung gaano ka kahalaga para sakin. Hindi matutumbasan ng kahit anong bagay at kahit anong katuwaan ang sayang dinudulot mo kapag kasama kita. Simula nang umuwi ka ng pilipinas walang araw na hindi ko tinignan yung mga pictures natin sa phone ko. Sobrang miss na miss na kita at sobrang mahal na mahal kita baby gelic to the point na naluluha ako sa tindi ng nararamdaman ko para sayo. Dati akala ko nakakaiyak lang kapag may mga hindi magandang nangyayari pero ngayon posible din pala kaya alam ko na yung pakiramdam ng maluha sa sobrang kaligayahan.
Thank you very much sa pag intindi sakin ha kapag wala ako sa mood at medyo masungit ako 🤣. Sobra sobrang naapreciate ko baby 😭😭😭 kasi kaya mong ihandle yung kasungitan ko at hindi mo ko sinasabayan kaya super thank you mahal kong baby 😚😙😗. Tunay ka talagang kakaibabe 😉 I love you baby!
Kapalit nyan asahan mong hinding hindi ako mapapagod mahalin ka baby, hinding hinding hindi mangyayari yan. Never akong mapapagod gumawa ng mga bagay na ikasasaya mo dahil mas nagiging masaya akong makitang nakangiti ka 😚.
Sobrang happy ko kasi nagenjoy ka sa Singapore trip natin, salamat sa pagtour sakin ha lalo first time kong pumunta dun 🤣. Seriously sobrang thank you dahil sobrang napasaya mo ako sa pagpunta mo dito, kahit ilang araw lang tayong nagkasama sobrang na enjoy natin yung bawat saglit. Thank God din dahil na extend pa yung stay mo kahit ilang oras lang. Sobrang napakasarap sa feeling dahil para bang perfect yung every moment na kasama kita sa bawat minutong lumilipas. Tanggal lahat ng pagod at puyat ko nung kasama na kita, Ikaw talaga yung happy pill ko kaya pinaghandaan ko talaga yung pagpunta mo dito. Asahan mong hindi ako mapapagod at magsasawang gumawa ng mga ganyang bagay sayo dahil wala akong ibang hinangad kundi ang pasiyahin ka 😚. I love you baby mahal na mahal na mahal kita! Enjoy our day 😚
Hi babyyyy,
Happy monthsary mahal ko. Sobrang love ko talaga ang pagbabasa ng letter mo. Hehehe. Baby, sige sasampalin kila alam mo naman bigay hilig ako sayo diba. Hahaha. Walang sisihan. Hahahaha. Joke lang mahal ko, ayaw ko nasasaktan ka e, pwera nalang pag gumawa ka ng kalokohan, tutal, binigyan mo na ako ng permission hahaha, rereserve ko nalang para dun. Hahahaha. Char!
Oo nga baby, sa saglit na yun napaka dami nangyareng masasaya, mehehee. Baby, super thank you sa wonderful trip sa sg, sobrang saya ko talaga, pinaka di ko makakalimutan yung naextend yung stay ko dyan, sobrang magical for me hehehe. Para bang, God gave us another moment to cherish, pero sobrang iyak ko nung paalis na ko. Sobrang nakakalungkot kasi malalayo nanaman ako sayo, tagal ko din nag move on ha. Hahaha.
And, yung sa pagintindi ko sayo pag minsan wala ka sa mood at masungit ka, walang wala pa yun sa pag iintindi mo sakin pag may pms ako. Hahaha, thank you din mahal ko sa haba ng pasensya mo sa kadramahan at kaartehan ko. Hehehe. Ako din baby, naiiyak ako sa sobrang love ko sayo, tulad ng lagi ko nasasabi, di ko maexplain pero naluluha ako pag naiisip ko kung gaano kita kalove. Sobrang love na love kita baby ko.
Lagi ako nagpapasalamat kay God na dumating ka sakin, hinding hindi ko hahayaan mawala ka pa sakin baby. Mag aaway tayo pero never option ang hiwalayan ah? Lagi natin tatandaan yan. Pakastrong pa tayo baby ko. Kasi alam naman natin kung ano yung magiging kapalit ng lahat ng sacrifice natin sa relation natin. Lahat ng to may magandang kapalit.
Baby, sobranh salamat sa lahat ng effortssssss and love mo for me. Sobrang thank you na lagi mo pinaparamdam sakin na wag ako mag doubt sayo. Lahat ng yun nakikita ko at sobrang naappreciate ko baby. Mahal na mahal na mahal kita mahal ko. Always and forever. Happy Monthsary, My Love. I love you so much!
PS.
SOBRANG NABITIN AKO SA VIDEO HEHEHE. SAAN MO NACOPY YUNG FIRST PART, YUNG MAY KUHA NG DRONE HAHAHA. Ang ganda ng gawa mo baby, paano mo nagawa yan, e lagi tayo magkausap. Hahaha.
♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️♥️
LikeLike
I love reading this babyyyyy. I love you alwaysssss baby
LikeLike