Chapter 3.12: 4 years

Dear Mrs.

Happy monthsary sa atin!

Pasensya kana at nalate ngayon itong letter ko, medyo napasarap buhay natin ngayon nakabakasyon ako at dahil nadin nung lumabas tayo nung 25 hehe. Sana di ka ulit magtampo kagaya ng hindi ko pagbati sayo sa facebook nung birthday mo. Para sa akin kasi hindi na mahalaga yun dahil nabati naman na kita ng ilang beses sa personal kaya akala ko enough na yun hehe, pero move on na. Bawi ka nalang next year, wag mo din ako batiin sa facebook ahaha.

Itong chapter nito ay bali recap lang, kumbaga sa palabas sa tv ay end of year reflection ng mga nangyari ngayong taon hehe. Though wala naman masyadong ganap dahil huminto nga ang mundo dahil sa covid19 pero hindi padin natinag dahil akalain mo ngayong 2020 na kung saan ang daming nangyaring hindi maganda ay nangyaring kinasal padin tayo. Looking forward nadin sa church wedding natin in the next 2-3 years hehe.

Ngayong taon marami rami padin ang nangyari dahil dalawang milestones yung naachieve natin, una yung naging mr and mrs tayo at pangalawa yung nagkawork ka nadin kaya mas naging busy na tayo sa kanya kanyang time. May mga times din na nagkatampuhan pero sa kabutihang palad naman ay naaayos naman natin agad. Kasama naman lagi yung mga challenges lalo sa buhay magasawa.

Ngayon apat na taon na tayong magkakilala, napakabilis ng panahon dahil anniversary din nitong jo-lique.com, naalala ko pa nung ginawa ko itong website na ito. Tanging intensyon ko lang ay mabati kita every monthsary natin kahit malayo ako, di ko akalain naging halos diary ko na din ito dahil kahit magkasama na tayo ay dito ko padin naisusulat yung mga kaganapan.

Batiin nadin kita dito ng belated Happy birthday para di ka magtampo hehe, belated Merry Christmas nadin at sulit ang setup natin nuong pasko, looking forward ako this week sa ating second round of kbbq and hotpot hehe. Kaya advance Happy new year nadin! Sana next year ay makapag out of town na tayo dahil di pa natin nagagawa yun after ng kasal natin hehe.

At dito na nagtatapos ang chapter 3, looking forward sa mas masaya at mas exciting na chapter kaya see you sa susunod na kabanata! Happy monthsary baby! I love you so much :*

One thought on “Chapter 3.12: 4 years

  1. Angel Ruelos's avatar
    Angel Ruelos says:

    Hello Baby Love!
    Hahaha. Super late ng batian natin ngayong Monthsary na to, kasi super busy talaga at daming ganap talaga pag December.
    Happy Monthsary as mag asawa and Happy Anniversary as mag jowa 😁😁😁
    Sorry ulit nung nag birthday ako, kasi sobrang overwhelmed lang ako sa mga nangyari, nasabay pa yung sa napanuod kong video na nakapag palungkot saakin kaya ayun, triggered si ako. πŸ˜πŸ˜†
    Thank you pala sa mga gifts mo saakin! Lalo na sa Camera! Super happy ako! Excited ako gamitin sya pag nag out of the country na tayo ulit hahaha.
    Sana talaga makap out of town na tayo ulit at sana matapos na ang Covid na ito.
    Excited na din ako sa igigift ko sayo kasi sa wakas mapapalitan na din ang aking upuan hahahaha. Sakit sa likod ng upuan ko eh πŸ˜†
    Sobrang thank you sa flowers πŸ’ na binigay mo saakin baby, pero sobrang nang hinayang ako sa mahal nyaaaa. Hahahaha. Ang ineexpect ko talaga ay yung tulad ng mga binibigay mo sakin dati pag Monthsary natin, hahaga. Pero syempre natuwa ako ng sobra sa bouquet na yon kasi sobrang ganda!!!!
    Grabe! Apat na pasko na pala kita nakakasama! Hahaha ang bilis noh!? Parang kahapon lang tayo nagkakilala hahaha. Yung feelings ko kasi same pa rin talaga nung una tayo nagkakilala, hindi nawawala yung kilig ko sayo eh! πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°
    Thank you, baby love ko sa mga efforts mo lagi saakin, hindi ako mag sasawa na magpasalamat sayo! Lalo na pag may tampuhan tayo, sobrang habaan pa natin ang pasensya sa isa’t isa kasi pang habang buhay na tong kulitan at asaran natin na ako madalas mapikon hahahaha.
    At dahil paend nanaman itong taon na to, excited ako sa bagong chapter na hahamakin natin magkasama at alam kong maraming challanges pa tayo madadaanan at mapagtayagumpayan! Hawak kamay lang tayo lagi kahit magkaasaran tayo hahaha.
    Happy New Year, Mahal kong Asawa! Mahal na mahal na mahal kita Mister Ko! πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•

    Like

Leave a comment