Hi Baby Love,
Happy monthsary my dearest misis.
Thank you sa birthday gift mo na kahit 5 months late na ay nabili mo padin dahil sa pagpaparinig ko hahaha. Alam mo namang mahilig ako makinig ng music kaya ngayon energized na ulit ako maglinis ng bahay, kapag papasok ng office at mag-gym araw-araw. Di na gaya dati gamit ko lang yung headset sa office na may mic pa na naka attached lol.
Natatawa ako kapag naalala ko, kapag may nagustuhan akong kanta tapos hindi mo gusto yung lyrics ahahah. Pero seryoso mahilig lang talaga ako sa music lalo kapag gusto ko yung rhythm. Walang ibig sabihin yun kaya wag kang magtampo kung magustuhan ko yung kanta kahit minsan mga pang broken hearted yung lyrics. Wala eh, kasalanan ng composer yun at nung banda hehe.
Minsan naalala ko din, may mga nakakatawa pa na pang rebuttal ka. Na minsan kapag tinopak ka ay bigla-bigla mo nalang sinasabi na kesyo hindi ikaw yung una blah blah blah hahaha. Sa buhay natin hindi naman natin palagi unang makikilala yung para sa atin. Kagaya ko, hindi din naman ako yung unang guy na nakilala mo. Sa huli, ang mahalaga padin ay kung sino yung makakasama mo at pipilin ka araw-araw.
Sa kakapakinig ko nga ng kanta, palagay ko nakita ko na yung kanta na ialay ko para sayo. Sana sa mga pinapakinggan kong kanta, ito lang sana yung bigyan mo ng ibig sabihin dahil kanta ko ito para sayo hehe. Title nito araw-araw, it’s a song about truly loving someone, dahil kapag mahal mo talaga yung isang tao, pipilin mo sya in that person’s imperfection at pipiliin mo sya araw-araw.
Na-imagine kita habang naglalakad sa aisle habang nagpplay yan. Sigurado nang kasama itong kanta na ito sa church wedding natin hehe.
Kaya wag ka nang mangamba sa mga iniisip mo dahil ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko sa araw-araw. I love you so much araw-araw :*