Chapter 3.9: Saturdate

Dear Misis,

Happy 6th monthsary! kalahating taon na agad hehe.

Sana naenjoy mo yung saturdate natin ngayong araw kahit may mga bagay na hindi umayon sa atin hehe. Una yung ticket natin sa shuttle at yung pangalawa naman yung sa kakainan. Di bali na-enjoy padin naman natin yung pagkain at hindi din tayo masyadong busog na busog kung natuloy pa tayong magkorean bbq. At siguro nga baka mas nahirapan pa tayong umuwi nun.

So Ayun lang, wala naman na ako masyadong masasabi dahil nasabi ko na lahat sa mga previous chapters. Ang update nalang siguro for the next week is your final week to work from home hehe. At ayun hindi na ulit tayo magkakasama nang mahaba tuwing magaabot tayong dalawa na work from home. Weekends nalang ulit hehe. Pasensya kana puro laro nalang ako kapag gabi kung kailan sana mag bonding tayo. Pagbigyan mo na ako kapag weekends at minsan lang makapag adik lol. Hayaan mo matatapos din tong kakalaro ko at nauumay nadin ako ahaha. Sana nakabawi naman ako today sa gala natin. At bawi din ako bukas magluluto ako ng sinigang hehe! Happy monthsary baby love ! I love you so much! πŸ™‚

One thought on “Chapter 3.9: Saturdate

  1. Angel Ruelos's avatar
    Angel Ruelos says:

    Happy 6th Monthsary, My Love!!

    Thank you sa araw na to. Kahit nga meron mga di magandang nangyare ang mahalaga nacelebrate natin together hehe. Masaya din naman at buti nalang masarap ang kinainan natin. πŸ€ͺ

    Siguro next time ikaw naman mag set kung saan pupunta. Pag ako nag sset madalas magulo e hahaha.

    Mas excited pa ako sa Sinigang mo bukas eh. πŸ₯°
    Sulitin natin tong work from home ko this week. πŸ˜›

    Alam mo naman mahal na mahal kita kahit minsan masungit ako πŸ˜„

    Baby maikli muna message ko sayo kasi di ako makapag isip ng maayos kasi nag woworry ako ng sobra sa buhok hahaha. Natatakot akezzz 😬

    Mahal na mahal kita Baby ko! πŸ₯°πŸ˜πŸ˜˜
    Happy Monthsary ulit baby ko! Thank youuu!

    Like

Leave a comment