Chapter 3.8: Cheat day

Hi Baby love

Happy monthsary!

Ang bilis ng month na ito parang dumaan lang, next month mag ber months na agad at malapit na tayo makapag first christmas as husband and wife hehe.

Sana na enjoy mo yung gift ko sayo kanina at ngayon nalang ulit ako may surprise hehe. This time pagkain naman para mas nakakabusog sa tyan hindi lang sa paningin. Minsan naguiguilty din ako na alam ko gusto mo kumain ng mga unhealthy foods pero sobrang strict ko haha. Kaya ayan cheat day ka muna today kahit nagiging regular day nalang sayo yang ganyan. At siguro kung hindi ako magiging strict ay baka araw araw ka naka cheat day hehe. Sana ibalik mo yung spirit mo na healthy living ka lang at nagwoworkout palagi hehe. Alam ko mahirap gawin yun ngayon lalo’t nagttrabaho ka nadin.

Pero sana maging mabuting ehemplo ako sayo haha. Kahit pagod sa trabaho, hindi ko nakakalimutang magworkout ng katawan, at mag workout ng utak. Di bale basta iwasan mo lang yung palaging pagkain ng fast food lalo ang fries dahil sobrang sama neto sa katawan. Kung di mo mapigilan ay gumawa ka nalang siguro may air fryer naman tayo haha.

Gusto ko din magsorry ulit dahil last month may mga di tayo napaguunawaaan at nasusubok na yung pasensya natin. Sana di na maulit yun lalo na at tungkol sa ganun.

Sa huli sana matapos na yung covid talaga at makagala na tayo at makapag relax naman. Nauubusan nadin ako ng picture na ilalagay dito kada chapter haha. Kaya habang walang bago, reuse reuse muna hehe.

Happy monthsary baby love! Looking forward for our date on friday! I love you so much :*

One thought on “Chapter 3.8: Cheat day

  1. Angel Ruelos's avatar
    Angel Ruelos says:

    Hillo Bibi love kooo!

    Happy happy Monthsary! Grabeee napaka bilis 5 months na tayo Husband and Wife! πŸ₯°

    Naalala ko nanaman yung sinabe ko sayo nung nakaraan na dati mag schoolmates lang tayo tas never nag usap or nag kita(siguro nagkita pero hindi napansin hahaha) tas ngayon asawa na kita. Grabe talaga ang destinyyyy. Sobra ako natouch e hahaha.

    Andddd! Sobrang thank you sa surprise mo baby love koooo! Hehehe. Di mo lang alam na sobra mo ako napasaya sa surprise mo! 😁
    Sa friday na yung gift mo sayo hehe.

    And yung sa healthy living, sinisimulan ko na ulit diba, pero natapat lang ulit na sa office ako ulit nakaduty hahaha. Pagod naman ako pag uwi ko. Bawi ulit next week kasi work from home naman hehe. πŸ€ͺ

    Actually, regarding dun sa hindi natin pag kakaintindihan last time, nakalimutan ko sya, naalala ko lang ulit ngayon. Hahahaha. Ang alam ko lang ayaw ko na ng away ulit na ganun. Nakakaiyak e hehe. Sorry din baby ko. Pero, dahil naman sa nangyare na ganun nakikilala pa natin ng maigi ang isat isa. 😁

    Wala na nga tayo pictures together eh! Hahaha.
    Pero sana nga matapos na talaga tong covid kasi gusto ko na mag Paris! HAHAHAHAHAHA. πŸ˜†

    Happy Monthsary ulit mahal kong baby!
    Can’t wait for Fridate! πŸ₯°πŸ₯°πŸ˜˜πŸ˜˜

    I LOVE YOU SO MUCH MAHAL KONG BABY LOVE! πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈ

    Like

Leave a comment