Chapter 3.6: BTR

Hi Misis ko,

Happy monthsary! Kahit di pa tayo nakakapagdate sa labas bilang Mr. and Mrs. sa mga nagdaang monthsary natin sana ay happy padin. Hayaan mo sa isang araw makakapagdate naman tayo. Saktong tapos na ang circuit breaker at pwede na gumala hehe.

At dahil matatapos na nga ang circuit breaker, nakakalungkot na dahil back to reality nanaman. Though hindi naman struggle ang bmyahe papasok sa office dahil napakalapit ko lang naman, struggle ang gumising ng maaga para magayos hehe. Unlike ngayon nakakapagpuyat pa at nakakakumpleto ng tulog, pag gising deretso work na agad (as if naman nagwowork talaga haha!). So ayun na nga, babalik nanaman sa dating gawi at hindi na tayo magkasama ulit palagi hehe.

Ganun na din naman ang kahahantungan sa huli dahil soon magstart ka na din. Kahit akala natin ay magstart kana before birthday ko pero mukang pinagpapahinga kapa ng kapalaran hehe. For sure next week meron na tayong magandang balita na matatanggap. At pagnangyari yun, tyak back to reality ka na din.

Pero hindi na yung realidad na nakagisnan mo nung nasa pinas kapa. Hindi kana siguro mapapagod kagaya ng dati pag dating sa byahe. Ibang iba na ito siguro ngayon dahil Ito na yung realidad na dati lang ay isang pangarap. Ngayon abot kamay na at napakalapit na talaga mangyari.

Kaya i enjoy mo nalang muna ngayon habang di ka pa nagstart, alam ko medyo bored kana ulit lalo nawala yung fiveM hahaha. Pero di bali pag balik naman nyan makakalaro kana ulit basta wag lang ulit papahuli lol. At least ngayon meron ka ng sariling laptop, hindi nalang tuwing mag wworkout ako ikaw makakagamit hehe. Sana lang gamitin mo din yan sa may kabuluhan hindi puro laro haha.

So ayun lang, konting araw nalang ay magiging busy na tayo sa office. Kaya sulitin ang mga panahong nakakapagrelax. Looking forward sa ating hotpot date on Sunday! yeahh! yun lang happy monthsary misis ko I love you so much :* :* :*

Leave a comment