Hi Baby,
Happy first monthsary! first monthsary after proposal and as an engaged couple hehe. Bagong kabanata nanaman. This time maraming kaganapan ang mangyayari. Kahit katatapos lang ng isang malaking milestone sa journey natin ay soon hahakbang ulit tayo sa isang malaking kabanata ng buhay natin.
Sana naenjoy mo yung proposal ko sayo, kahit hindi masyado masarap ang food hehe. Ilang months ko din pinagplanuhan yun. Araw araw tinitignan ko kung ano yung ring na babagay sayo. Unfortunately hindi lang naging perfect yung size at nabitin ng kaunti.
Sa araw araw ko na pagtingin ng ring, madami na ako natutunan, kaya mas marunong na siguro ako tumingin ng mga ring and diamond kaysa sayo o kaya sa ibabg babae π.
I’m aware this time wala na masyadong gifts or pa flowers. Pero gaya ng sinabi ko dati “is” mas importante yung masaya tayo sa relasyon natin at may mutual understanding over sa mga gifts (Pero ang totoo wala lang pambili lol). Kung usapang flower lang eh meron ka naman ng unli supply nyan nasa kusina lang π.
At sa huli, ngayong all set na lahat para sa march, sana this time matigil na yung mga pagseselos at tamang hinala mo π. Oh kaya naman sana next time galingan mo yung accusation mo para hindi nakakapikon yun lang labyu! π. Happy monthsary my baby love! I love you so much !ππππ€π€π€