Chapter 2.5: Gannbatte!

Hi Baby,

Happy monthsary!

Ang bilis ng araw and of course pabor naman dahil malapit na tayong magkita! At dahil parang kagagawa ko lang ng last chapter at ito kelangan ko na ulit gumawa kahit sa araw ng monthsary natin ay magkasama na tayo! yay!

Itong chapter na ito ay para sa bagong pagsubok na haharapin natin, alam nating yung naging desisyon natin para sa pagkikita natin ay isang matagal na pangarap. Mahigit isang taon nating hinintay itong pagkakataon na ito, alam ko hindi madali ang mga mangyayari.

Pero alam ko at tiwala ako na magiging maganda ang resulta dahil malakas ang kapit natin kay lord. Huwag lang tayong susuko at mawalan ng pagasa dahil sya ang nakakaalam kung ano ang tama at dapat nating patunguhan sa buhay. Kailangan lang nating subukan dahil nandyan naman sya para iguide tayo sa paglalakbay. Hindi naman masama na itry natin yung best natin, ang mahalaga lang dapat walang inaatrasang pagsubok.

Gannbatte in japanese language means Good luck or do you best! and I know you will. Tandaan mo lang palagi na mas may edge kana ngayon dahil ikaw ay makikipagcompete na globally. You get out of your comfort zone and you realize na you can do better than before. Kaya mo nang tumanggap ng mas challenging na career. Malaki ang tiwala ko na maa-achieve mo yung goal mo soon, Kahit ano pa yan basta nandito lang ako para suportahan ka. Kahit minsan masungit ako pero alam mo na yun, ganun lang talaga tayo medyo tumatanda na at mana mana lang yan haha.

Kahit anong mangyari, ang mahalaga makakasama ko ang baby ko. Ilang araw nalang magkikita na tayo ulit. Himala nga hindi tayo nagaway o kaya nagkatampuhan hehe. Siguro kinokontrol mo lang din kahit gusto mo mangaway hahaha. Ngayong taon, kung hindi ako nagkakamali, ay eto yung unang beses na magkakasama tayo ng monthsary natin. Ang alam kong last eh yung anniversary pa natin hehe. Kaya super special din.

Masingit ko na din, pasensya kung minsan busy ako sa pagbabasa ko hehe. Sana maintindihan mo dahil minsan kailangan ko din ng time para makapagaral. Siguro pwede ka magalit kapag puro laro nalang ako haha. Pero of course, tinatry ko naman ibalance yung paglalaro at pagbabasa na dapat magkapantay lang at ikaw padin naman ang priority ko. Kaya kahit minsan kapag tumawag ka at naglalaro ako sinasagot ko padin yung call mo or else baka isipin mo kung ano na ang ginagawa ko at mapaghinalaan mo na ako haha. Hindi ko alam kung kelan mo mababasa ito pero see you soonest baby love ko, I love you so much and Ganbatte!

One thought on “Chapter 2.5: Gannbatte!

  1. Angelique Medina's avatar
    Angelique Medina says:

    Happy monthsary My Baby Love Love! πŸ’•

    Thank you Baby at mag kasama tayo ngayong monthsary natin. πŸ€—
    Thank you Baby ko sa lagi mong pag surprise sakin malaki man or maliit. Pero plagi mo pa din ako napapasaya, salamat lagi sa pagiging sweet and caring mo mahal ko. πŸ’•

    Sorry baby ko kung minsan (or madalas, pero minsan lang talaga) na pagseselos ko. Syempre, ganun talaga pag babae lalo na pag love na love ka. Para bang yung mga ibang babae e feeling namin threat sila sa relation natin, may takot lang talaga samin mga babae. Kasi syempre lalaki kayo, napaka bilis lang para sainyo na pag may nahanap na iba madali lang sainyo na ligawan or pakitaan ng pagkagusto ang mga ibang babae, unlike saamin, hindi naman namin kaya manligaw or magpakita ng motibo sa lalaki na gusto namin(pwera nalang kung talagang maharot ang babae 🀣😜) kaya ganun nalang siguro yung takot or pag seselos ko. Sorry talaga baby. And thank you sa pag iintindi mo. Sobra sobra kong naappreciate. Pero syempre alam ko naman na hindi ko dapat itake advantage yun kasi kahit sakin naman mangyare yun kung ikaw naman tong laging nag seselos aba maiinis din naman ako. Pero ayun naman ang gusto ko sayo baby, alam mo kung paano pagaanin ang loob ko πŸ₯° sa totoo lang ayun lang talaga ang dapat mo lang gawin, at mararamdaman ko naman kung sincere ka. πŸ’•

    Well, ayun na nga, eto na, kasama na kita. Salamat baby sa pagiging supportive partner ko, lagi kang handa tumulong sakin. Ramdam na ramdam ko yung pagsuporta mo sakin. Maraming maraming salamat mahal ko 😒 lalo mo pinapatunayan kung gaano ako kablessed na nasa buhay kita. Lalo mo akong pinapabilib kay Lord na binigay ka nya sakin. Sobrang thank you baby, alam ko na di ka humihingi ng kapalit, pero baby pag naging okay na ang lahat babawi ako sayo. Pangako yan mahal ko. Hinding hindi ko kakalimutan lahat ng ginagawa mo para sakin. Mahal na mahal kita baby ko sobra. πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•πŸ’•β€οΈβ€οΈβ€οΈβ€οΈπŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜πŸ˜˜

    Happy Monthsary ulit mahal ko. I LOVE YOU SO MUUUUCH! β€οΈπŸ’•

    Like

Leave a comment