Chapter 2.4: I Lied

Hi Baby love,

Happy monthsary baby ko!

Nakakaexcite nanaman dahil next Chapter ay kasama na kita. yay! Parang ang tagal din nating hindi nagkita talaga haha.

Kahit three months lang parang napakatagal padin dahil hindi na talaga tayo sanay na hindi nagkikita more than that. Kung ang relasyon ay may three months rule kung saan kapag nagkahiwalay ang magkarelasyon ay tatlong buwan muna sila bago dapat magkipagdate, ay iba naman ang three months rule natin. Hanggat magkalayo tayo at gaya ng pinangako ko sayo dati, Max na dapat ang three months na hindi tayo makakapagkita hehe at sympre hanggat may pamasahe tayo haha. Dahil hindi naman din biro ang gastos, kung pwede nga lang every month umuwi eh. At kung libre lang ang pamasahe ay baka araw araw pa lol.

At kung sakali ngang maging isang superhero ako at mapabilang sa Marvels, Isang kapangyarihan lang ang hihilingin ko. Okay na sa akin yung lumilipad lang kahit walang ibang special powers para at least pagtapos ko magtrabaho eh lilipad na ako papunta agad sayo. Tawagin mo akong cockroach man hahaha.

At bago kapa magisip ng kung ano ano about sa title nitong chapter na ito eh umpisahan na natin, it’s all about what happened last time kung saan tayo ay nagaway sa simula pagkatapos nito ay nagkaron na ng pagaaway sa simula haha.

Alam ko ayaw mo yung nagsisinungaling at alam mo naman na nagsisinungaling lang ako sayo for a good reason, like sa mga surprises ko sayo hehe. Pero I lied sa mga nasabe ko sayo last time na hindi maganda and I know below the belt. Parang bata lang ako diba at nakita mo nanaman yung side ko ng pagkaisip bata hehe. Na offend lang siguro ako sa sinabi mo kaya nasabi ko yung mga bagay na hindi dapat and of course It’s a lie and alam kong alam mong hindi totoo yung mga sinabi ko sayo. Kahit umabot tayo sa ganung point, nakakatuwa dahil naayos talaga agad natin. Akala ko talaga hindi mo na ako kakausapin nun pero hindi mo pa din talaga natiis ang isang poging kagaya ko lol. Pero sobrang nalulungkot na talaga ako nun, knowing na kinabukasan pa pala kita makakausap. Kaya thank you baby dahil kahit nagagalit ka sakin mabilis mapawi yung inis at galit mo hehe. Nasabi ko na ito dati, pero basahin mo lang yung message ko sayo dyan at dito sa website sa tuwing nagagalit ka sakin. Para at least mapawi agad yung galit mo sakin at maging happy ulit agad tayo hehe.

Next month pa naman tayo magkikita pero hindi ko alam bakit tayo nagaway ng ganun hehe siguro lang natin mag away o kaya naman isip bata talaga boyfriend mo at pikunin hahaha. Kaya wag mo akong hinahamon sa asaran dahil malakas akong mangasar at bully, hindi ko lang sinasample sayo kasi tyak mangyayari yang ganyan at baka mag offline ka talaga hahaha.

Sa mga ganitong tampuhan at simpleng pag aaway natin, lalong tumitindi ang pagmamahal ko sayo, hindi dahil gusto kong nagagalit ka. Kundi nakikita ko kung gaano ka kastrong at kung paano ka maghandle ng situation at magreact sa problem. Dahil dyan, nagsinungaling nanaman ako, when I said I love you. Dahil mas matindi pa sa salitang yan ang nararamdaman ko para sayo. Hindi sapat ang salitang yun para malaman mo kung gaano kita kamahal kaya dadamihan ko nalang hehe. I love you so much baby x100000000000000000 xInfinity. Happy Monthsary!

Said I loved you but I lied
‘Cause this is more than love I feel inside
Said I loved you but I was wrong
‘Cause love could never ever feel so strong

Leave a comment