Chapter 2.2: The Time Has Come

Hi baby,

Happy 14th monthsary baby love!

Habang sinusulat ko to gusto ko lang malamam mo na miss na miss na miss na miss na kita. Dahil pagkatapos ng pinakamahabang bakasyon na magkasama tayo araw araw, ngayon ay magkalayo nanaman tayo sa isang iglap. Tila ba nasanay na agad tayong magkasama buong araw, sanay na ako na nakikita ka at madalas inaasar hehe.

Ngayong nagbibilang nanaman tayo ng bawat araw na magkikita muli, nananabik sa muling pagkikita at pagsasama nang mas matagal. Hindi ordinaryong araw lang ang inaabanagan natin tulad ng dati, dahil ito na yung pinakaaabangan nating pagsasama. At kung hindi mo napansin sa title hehe, sa wakas dahil dumating na yung tamang panahon para sa atin, yung right moment na matagal din nating hinintay at tiniis. Magandang balita ang dumating satin habang nasa japan tayo nung naapproved yung pass ko. Sign na lahat ay naaayon sa sa nagiisa nating plano, ang wakasan ang distansya na naghihiwalay sa atin. Nariyan pa yung mga connection ni tita para mapabilis yung paggawa ng papeles para makapunta ka na dito agad hehe. Araw nalang ang binibilang at matatagumpayan na din natin ito. Konting tulog at konting tiis nalang, makakasama na kita at wala nang makakapigil sa atin hehe. Sa ngayon ang magagawa lang natin ay pagpatuloy ang pagpray na sana maging smooth lahat ng process.

I’m so happy dahil overall naging maganda naman yung naging bakasyon natin kahit nagkaron tayo ng konting tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Gusto ko lang magsorry sayo sa mga nasabi ko dala lang ng init ng ulo, pasensya na dahil naging masungit ako nitong mga nakaraang araw / linggo. Siguro dahil sa pagod nadin sa kakabyahe at siguro masungit naman talaga ako ngayon mo lang napansin haha. Sinabe ko naman sayo dati masungit ako eh, kaya wag mo sanang iisiping nagbago na ako. Ikaw yung nagbago kasi dati hindi mo napapansing masungit ako ngayon napapansin mo na hahaha joke. Sorry kung nalulungkot ka dahil minsan feeling mo nasusungitan kita, narerealize ko naman yun at sobrang nalulungkot din ako. Ganun lang siguro ako magsalita, parang pagalit at masungit kung minsan. Maraming salamat sa pagintindi mo dahil hindi nagbabago yung pakikitungo mo sakin at hindi mo ako sinasabayan lalo na kung nagagalit ako hehe.

Sana naging happy ka din nung Valentine’s Date natin kahit hindi kita nabigyan ng flowers on that day dahil wala akong nakita man lang sa Disneyland at hindi ako nakahanap ng chance bumili sa labas dahil magkasama tayo hehe. Huli man daw at magaling, naihahabol din. Dahil nakabawi naman din ng flowers pag balik natin ng pinas at kahit paano naging super special din naman yung celebration dahil kasama kita buong araw ng Valentine’s Day hehe. Pag uwi natin ng pinas, pumasok sa isip ko nuon at naging mission ko na bago man lang ako umuwi ay mabigyan ka man lang ng flowers kahit sandali. Sorry dahil mas maganda pa ata yung flowers last year na akala ko ay ang pinaka hindi maganda kong mabibigay na flowers sayo. Pero salamat dahil naappreciate mo pa din naman hehe.

At gaya rin ng title chapter na ito, ngayong dumarating na yung time na nadidisappoint na kita sa mga bagay – bagay, Maraming salamat dahil naniniwala ka padin sakin at hindi nagbabago yung pakikitungo mo. Sana makabalik agad ako sa dati na hindi ka nagtataka na tila ba parang may nag-iba. Sana huwag mong isipin na nagbabago na, minsan lang talaga sa buhay natin dumarating tayo sa point na hindi lahat ng nangyayari at nakikita natin ay maganda. Sa tuwing nararamdaman mo at napapansin mo yun, isipin mo lang na isa lang ang hinding hindi magbabago at yun ang pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na mahal kita baby love ko Happy Monthsary!

One thought on “Chapter 2.2: The Time Has Come

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Good night, Baby Love.
    Bago ako matulog ako naman mauuna mag message sayo ng monthsary message hehehe. Happy Monthsary mahal ko! Kahit lagi/madali ka na maging masungit mahal na mahal pa din kita. Minsan naiisip ko nagkapalit na ata tayo. Haha. De jk lang, sakin kasi baka pag nag sungit din ako e magclash tayo, mas mahirap na, haha.
    Baby, sorry kung ang kayang ibigay ko palang sayo ngayon is yung love and affection, time, and faithfulness tho, part naman talaga yun ng relationship gusto ko kasi maispoiled ka din sa ibang bagay, sorry kung di ko pa kaya ngayon ibigay yung iba. Ito muna kaya kong ibigay. Sorry kung di ako makapag share sayo pag lumalabas tayo. sa totoo lang baby nahihiya na ako sayo, kaya minsan tumatanggi na ako. Yung sa fujiten naalala mo? Alam ko kasi mahal yun kaya di na ako umiimik at nag susuggest, kahit nagalit ka sakin nun, kasi pag sinabe kong ayoko ng tumuloy dahil mahal yun e hindi ka din papayag at gusto mo ituloy, kaya kahit nagalit ka sakin okay lang at nagawa ko yung balak ko talaga hehehe.
    Dito ko nalang muna imemessage to, kasi wala ako mapag lagyan dun sa site natin. Mej nakkasad lang kasi wala ako mabasa na message mo hehe. Nasanay lang siguro, pero okay lang din, para ako naman makagawa ng message for you na ako nauuna hehe.
    Baby, thank you sa efforts mo, lalo na yung binigyan mo ako ng flowers nung pag uwi natin, sobrang kinilig at naappreciate ko yun baby, naiiyak ako pg naalala ko kasi lagi mo pinaparamdam kung gaano ka special, sobrang ramdam ko yung love mo.
    Thank you talaga Lord! Mahal na mahal ko yung binigay mong blessing sakin Lord, gabi gabi, araw araw ako nag papasalamt sayo Lord sa pinagkaloob mong taong iingatan ko habang buhay. πŸ₯°
    Mahal na mahal kita asawa kooo. Happy monthsary ulit ❀️
    ILOVEYOUSOMUCH! πŸ˜πŸ’•πŸ’–πŸ˜˜πŸ˜˜β€οΈπŸ’‹
    Ps. Syempre hindi pwede na wala akong sagot sa message mo dito, kaya duduktungan ko to. Baby, wag ka mag babago sa pagiging faithful and pag sshow ng love sakin, kahit naging masusungit ka these past few days, okay lang sakin as long as ramdam ko naman na hindi mo ako niloloko, okay na ko dun. Alam ko naman na hindi araw araw okay ka, nappgod ka din, okay lang yun baby. Hindi naman lgi masungit ka. Hehe. At ang pinaka mahalagang bagay ngayon is yung plan natin na pag punta ko dyan. Hindi ko alam bakit naeexcite ako ng ganto, dahil siguro sa makakasama na kita ARAW ARAW, para bang lahat ng bagay ngayon sumasang-ayon sa plano natin. Let’s pray for this Baby.
    I love you soooooo much mahal kong baby 😘😍πŸ₯°β€οΈπŸ’‹πŸ’• sobrang thank youuu πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–

    Like

Leave a comment