Hi Baby,
Happy Anniversary!!! super!!!
Kahit medyo malayo pa man yung anniversary natin at dahil advance akong magisip, inumpisahan ko nang magsulat. Dahil this will not be an ordinary day for us at may mga surprises akong ihahanda for you. Unang una sympre itong letter ko na ito na, pinagisipan ko kung anong Chapter na ba ang kasunod, Chapter 2 ba or Chapter 1.12 ? hahaha.
Marahil ito na ang pinakamasayang araw para sakin taon-taon, Ito ang araw na nakatanggap ako ng regalo na ang laman ay pag-ibig. Regalong hindi matutumbasan ng kahit anong bagay at yaman sa mundo.
Ngayong anniversary natin, marami akong hinandang surpresa, Unang una itong Panibagong Chapter na ito, habang tinitignan ko yung dami ng Chapters na nagawa ko na, hindi ko lubos maisip na mgagawa ko ng lahat ng iyon. Marahil patunay ito na late talaga akong natutulog hahaha, dahil ang paggawa ng Isang chapter ay gawain ko usually 2 weeks or a week before ng monthsary natin at gabi gabi halos nagiisip ng anong bagong pakulo, magsimula sa Title ng chapter, featured Image at quotes at sympre mahabang letter na magpapasaya sayo hehe. Kung tutuusin hindi na nga surprise sayo ito, dahil una sa lahat hindi pa naman ako naka skip at makalimot gumawa ng isang chapter kaya tuwing monthsary natin alam mo na agad kung saan ka pupunta unlike dati na bibigyan pa kita ng link hahaha. At dahil anniversary natin, special tong chapter na ito dahil ito yung pinakamahabang chapter na magagawa ko ngayong taon :).
Pangalawang surprise ko sayo at sympre part nitong Chapter na ito ay yung hinanda kong Anniversary video nating dalawa, Isa rin ito sa mga maagang surprise na hinanda ko dahil sa matagal din magedit, Isa nga sa mga reasons kaya bumili talaga ako ng bagong laptop ay ang paghandaan itong pageedit ko ng Anniversary video natin hindi lang sa paglalaro hahaha. Sana magustuhan mo dahil matagal ko din pinlano yan, yung background music nyan ay song ko for you hehe 🙂
Pangatlong surprise ko ay ang paguwi ko before birthday mo hahaha, kahit ilang beses ako nadudulas na December 20 talaga ako uuwi lalo nung nagbobook tayo ng air bnb ay nailulusot ko pa din at nadidistract kita para hindi mahalata. Gaya last year na hindi mo rin alam na uuwi ako at makakasama kita sa birthday mo. Alam kong alam mo this year na uuwi ako sa birthday mo, at sympre para magkaron man lang ng element of surprise, sinabi ko na sa mismong araw ng birthday mo ako uuwi. So let’s see kung anong mangyayari sa 20th dahil pupuntahan kita dyan sa inyo ng hindi mo nalalaman hahaha. Hmmm ano kaya ang magiging palusot ko nun kung sakaling hanapin mo ako hehe.
Pangapat na surprise ko ay maghanap ng ireregalo sayo, naalala ko sabi mo sakin ang gusto mo lang matanggap na regalo ay either make up or pabango. Ibahin natin ngayon dahil naregaluhan naman na kita ng mga yun. At isa pa, dahil anniversary natin gusto ko yung regalong hindi mauubos at araw araw mong gagamitin. Sana nagustuhan mo hehe, dahil naalala ko yung pumunta ka dito. Yung binili ko para sayo ay peke lang at mumurahin haha. Pero sympre it doesn’t matter naman kung mahal at branded. Ika nga eh, it’s the thought that counts padin naman.
Panglimang surpresa ko ay ang mahiwagang kahon hehe, naalala ko nung nakaraang taon nung una kitang binigyan ng box nung birthday mo bilang isang manliligaw. At ngayong girlfriend na kita, mas pinaghandaan ko pa ang paggawa ng box dahil nga napakaspecial na araw ito. Hindi gaya dati na pa birthday lang ang cinelebrate natin, ngayon plus anniversary pa kaya dapat mas bongga diba haha.
Panghuling surpresa ko sayo ay ang anniversary date natin, kahit maraming challenges sa date natin na ihahanda ko, alam ko matutuloy yan. Kaya kapit lang and see you there 😊.
Lahat yan sana magustuhan mo mahal ko, Happy Anniversary ulit mahal kong baby!
I LOVE YOU SO MUCH!!!