Hi My Baby Lover,
Happy 11th monthsary! Time flies really quick, One month nalang before our first anniversary. Konting tiis nalang dahil matagal ulit tayong magkakasama. Pero ngayong araw, halika’t samahan mo muna ulit akong magbalik sa nakaraan baka muli mo itong makalimutan π€.
At dahil 11th monthsary natin ngayon? Naaalala mo paba yung nangyari noong 11-11 2017. Sino ba makakalimot kung anong nangyari nun? Marahil siguro ikaw hahaha π . Ang panahon kung kailan formal akong umakyat ng ligaw π―, ang panahon na lumipad ulit ako pauwi ng pilipinas para mas makilala pa kita. Bago ang mga pangyayari nung araw na yun, sariwain muna natin kung paano nagumpisa ang lahat.
Iniisip ko palang na gusto kong makita ang parents mo at pumunta sa bahay nyo ng personal, dahil hindi mo man lang ako pinapasok sa inyo nung una nating pagkikita π joke lang. Pero tila ba naunahan ako ng pagkakataon at lahat ng aking plano ay naayaon. Dahil nabanggit mo lang naman na gusto din akong mameet ni Tita Ren habang magkausap tayo sa messenger. Oh baka naman ginamit mo lang si Tita para makita mo ulit ako π€ ? hahaha. Sakto naman na nagbabalak din talaga akong umakyat ng ligaw, bilang pasasalamat kila Tito at Tita dahil pinayagan ka nilang makipag “friendly” date sakin nung una tayong nagkita. Tamang tama na din na ipakita ko na gustong gusto ko talaga ang anak nila na napakaganda ππ.
Magkahalong saya, pagasa, at sympre kaba dahil yun ang unang pagkakataon na bumisita at umakyat ng ligaw. Makalumang istilo ng panliligaw pero hindi nawawala sa panahon. Mas pinapaboran dahil nagpapatunay ng totoong intensyon.
Kaya bago ang tinakdang araw ng pagpunta ko sa inyo, Panay ang research ko kung ano ba ang sasabihin at gagawin ko hahaha. Tila isang matinding pagsusulit ang nag-aabang, parang employment interview papunta dito sa Singapore ang labanan π
. Hinanda ko ang mga posibleng sagot ko kung sakaling tanungin ng biglaan, bumili ng bagong damit para kahit konti ay mag mukhang tao man lang, bumili ng bulaklak para naman mahalatang nanliligaw π. Para bang bawal magkamali, tila right minus wrong na pagsusulit. Dahil isa lang ang nasa isip ko ng mga panahon na yun. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito at dapat maging matagumpay. Pero salamat dahil nariyan ka para palakasin ang loob ko, nariyan ka para sabihing walang dapat ipangamba at ikatakot. Maging natural lang at isiping normal lang ang lahat.
Kaya naman sa araw na pumunta ako sa inyo, kahit medyo nanlalamig ang mga kamay sa tirik at mainit na panahon. Inisip ko nalng na walang akong dapat ipangamba dahil seryoso ako sa misyon ko. Masaya naman ako at naging maganda yung pagtanggap nila Tito at Tita, tila parang nakita lang nila si Gary na tumangkad kaya hindi na sila nagulat Hahaha. Sa mga oras na yun, naramdaman kong isa na akong ganap na tao haha, siguro dahil naging proud ako sa sarili ko na magagawa ko din palang umakyat ng ligaw hahah. Mga bagay na nuon ay akala ko sa telebisyon at pelikula lang nangyayari. Patunay lang na ang Pag-ibig, ‘pag nasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang π. Isa sa mga bagay na hindi pangkariniwan sa akin nuon.
Masarap sariwain at balikan ang nakaraan lalo kapag hitik ito sa mga magagandang alala nating dalawa, nakaraaang parang kailan lang. Balang araw ang mga isinulat ko rito ay magiging parte din ng nakaraan na akin ding babalikan, ito ang magpapa-alala sakin sa mga bagay na aking napagtagumpayan at hindi ko pinagsisihan.
Happy 11th Monthsary ulit baby lover ko! I love you so much and I miss you always.
PS: At kailan naman kaya ang meet my parents?