Chapter 1.8: 2∞&<

Hi Baby,

Happy 8th!!!!!!!!

Marahil habang binabasa mo to ay nabuksan mo na yung chapter 8, sypre 😁.. at tayo ay magkahiwalay nanaman 😔. Nakakalungkot pero hindi yun ang gusto kong maramdaman mo sa mga oras na to 🤗.
Gusto ko mafeel mo na maliit lang ang mundo para sa ating dalawa, kahit nasan ka o nasaan ako kaya nating hanapin ang isa’t isa.

Thank you for giving your precious time to visit me, thank you sa effort mo na pumunta dito, thank you kay cebu pacific dahil sa free one-way ticket hehe and of course thank you kay God for giving us this rare chance na magkasama tayo sa monthsary natin. What just happened was one of the significant events of our lives. Finally nakahanap din tayo ng perfect time to celebrate our monthsary together, kahit pareho lang tayong naka “sick leave” para makapiling ang isa’t isa kahit sa sandaling pagkakataon. Totoo naman nyan may lovenat naman talaga tayong dalawa so valid ang sick leave natin haha. Habang ginagawa ko to ngayon, August 16, 2018 I’m hoping na sana nga lang walang istorbo at hindi ako tawagaan sa office sa pagbisita mo dito.

At dahil 8th monthsary natin, may ilang mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko ngayon patungkol sa number 8.

Una, sinimulan kong paghandaan tong Chapter 8 ng August 16, 2018. Exactly 8 days before tayo magkita at magcelebrate ng monthsary natin. At naisip ko na ito na yung start ng countdown ko para sa muling kapanapanabik na pagkikita 😊 Sympre August month ay pang walong buwan ng taon, At sa hindi sinasadyang pagkakataon naisip ko pa yun haha. Sympre kumpletuhin na natin haha, Dahil ngayong taon ay dalawang libo at labing walo. So ayun po ano, umuulan lang naman ng eight hehe.

Pangalawa, tila napapanahon nadin at ikaw ang 8-ball pool buddy ko hehe, kahit palagi kang talo sakin hahaha. Siguro ito na yung laro na nagkasundo tayo, dahil dito tinuturuan kita para manalo ka haha. Unlike sa mga ibang games na nakalaro kita, na madalas nagiging sanhi ng tampuhan natin gaya ng words with friends haha. I’d like to take this chance nadin to say I’m sorry kasi dinadaya kita dun lol, don’t worry I cheat only on games but not in our relationship. Huwag mong isiping pareho lang yun, dahil ang pagmamahal ay hindi isang laro or libangan. Maaring madaya lang talaga ako makipaglaro pero hindi ako madaya magmahal 😉

Pangatlo, araw-araw pagmulat ng mata at paggising sa umaga. Iunat ang kamay, bumangon na sa kama. Kung inaantok pa, lumundag-lundag ka, aha ha (aha ha) hahaha. Mag otso-otso pa lol, commercial lang yan maidagdag lang.

Pang-apat, sana nagustuhan mo yung walong lobo na hinanda ko sayo. Kahit mahirap magblow nyan at kahit muntik pa ako magkasingaw haha. Sana nagustuhan mo din yung gift ko sayo, naalala ko lang ngayon palang pala kita naregaluhan ng damit, palaging ikaw yung nagbibigay sakin ng damit eh hehe.

Panghuli, Gaya ng 8th wish mo sakin sa maliit na libro ng kahilingan na regalo mo, It symbolize infinity. Gusto ko sabihin na “sana” panghabambuhay talaga yung relationship natin, pero gusto ko na tanggalin yung salitang “sana” dahil yun naman ang alam kong mangyayari. Hindi ko na kailangan hilingin pa :).

Siguro napagoogle ka sa kung ano yung title nitong Chapter na ito, if not then congrats haha. Yes, you’re right… ang title nitong Chapter na ito na To infinity and beyond (2∞&<), mahirap intindindihin at ipaliwanag kung ano ang mga salitang yan dahil hindi mo nga naman marereach o malalampasan pa ang infinity dahil infinite na yun. Basta ang mahalaga para sakin, I will love you more than that 🙂 Happy monthsary baby! I love you so much :* :* :*

Eto pa bonus, same day edit hahaha

https://youtu.be/Px3r_kceSv4

Leave a comment