Chapter 1 : The Journey Begins

Hi baby Gelic,

Happy first monthsary! Napakabilis nga naman ng mga pangyayari, imagine isang buwan na yung nakalipas pero halos hindi parin ako makapaniwala na girlfriend na kita. Dahil ilang buwan na ang nagdaan pero nandun pa din yung kilig nung unang nakita ka.Yung dating pangarap ko lang, ngayon naka in-relationship with me na. 🙂

In relationship

Sobrang thankful ko kasi hindi mo ko masyadong pinahirapan sa panliligaw sayo at naappreciate mo yung efforts ko na patunayan sayo kung gaano kita kamahal. Hayaan mo hindi naman dun natatapos ang lahat sa panunuyo ko sayo, naguumpisa palang ako baby 😉. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya nung binigay mo sakin yung matamis na OO. Asahan mong hindi ako magbabago, hindi ko sasayangin yung tiwala na binigay mo at patuloy akong mageffort para ipakita ko sayo kung gaano kita ka mahal.

Hindi man ako perfect boyfriend para sayo, wala sakin lahat yung katanginan na hinahanap mo, alam kong gwapo lang naman ako Rolling on the Floor Laughing on Apple iOS 11.2, pero alam ko yung walang katapusang pagmamahal ko sayo ay kayang punan yung mga pagkukulang na hindi mo nakikita sakin.

“Ikaw na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko” at ito na yung huling beses na sasabihin ko to. Sobrang blessed talaga ako dahil sa dinamirami ng tao sa mundong ito, ikaw yung pinili ni God para sakin. Kahit hindi man nya tayo pinagtagpo in the right place, pinagtapo naman nya tayo at the right time.  Kahit nagkakilala tayo ng malayo sa isa’t isa, nagkakilala naman tayo sa panahong nakalimutan na natin ang mga hindi magandang nakaraan sa buhay natin, natuto na tayo sa mga pagkakamali ng kahapon, sawa na tayo sa mga walang katuturang pakikipagtalo, sa makatuwid, buo na yung pagiisip natin at alam na natin ang tama at mali. Naniniwala talaga ako sa destiny, kung siguro pinagtagpo nya tayo dati pa, marahil mas nahirapan tayong malayo sa isa’t isa. Pinili nyang magkakilala tayo ng malayo sa isa’t isa kahit mahirap tong sitwasyon natin kasi alam nyang mas worth it to sa huli. I know God has bigger and better plans for us.

Kung hindi mo pa napansin haha, ang title nitong Chapter 1 is “The journey begins”. Dahil alam kong naguumpisa palang tayo sa paglalakbay, mahaba pa ang tatahakin natin baby. Sa paglalakbay natin nandyan yung madadapa, magaaway, magkakainisan, magtatampuhan, maliligaw at magsisisihan tayo sa byahe natin. At kung dumating yung araw na yun baby, sana huwag nating palipasin yung gabi nang hindi natin naaayos. Sinasabi ko yan hindi dahil gagawa ako ng kalokohan o ikagagalit mo, gusto ko lang handa tayong harapin yung mga problema na darating sa’tin. Sana ipangako mo sakin na sasamahan mo ako hanggang sa huli at Isa lang ang pinapangako ko sayo, sa paglalakbay natin ikaw lang yung kasama ko (parang ikakasal na ano? Rolling on the Floor Laughing on Apple iOS 11.2).  I’m looking forward for more months, years or even forever of being with you! I love you so much baby! Tara? byahe na tayo! 🙂

PS: Siguro kung nagtataka ka baby kung bakit late ako lagi natutulog, ito yung palusot ko Rolling on the Floor Laughing on Apple iOS 11.2 so please find time to watch and listen to it baby 🙂.

One thought on “Chapter 1 : The Journey Begins

  1. Angel's avatar
    Angel says:

    Baby!!!! You never failed to surprise me! I love you always baby. Naiiyak naman ako sayooooo. And, kinikilig at the same time. Thank you so much mahal ko! I love you so much Mi Amore! 💋💕❤😍

    Like

Leave a comment